Wednesday, June 1, 2016

Friday Favorites: Week 21 of 2016

Heya!!!

Late post again :)

Let me just share to you the highlights of last week.

May/23 (Monday) -- I was in my branch early in the morning. I had lunch with my friend named Jen at SM North. We bought slices of cake in the nearby bakery. 

 

Afterwards, I accompanied her to the clinic because she wants to check if she has thyroid problems. Malakas kasi siyang kumain pero hindi tumataba. May iba na rin na nakakapansin na parang lumalaki ung neck part niya.

May/24 (Tuesday) -- After the morning huddle in our branch I met Duz at Quezon City Hall. Kumuha siya ng health certificate as required by his employer. Unfortunately, Duz violated an ordinace. Familiar ba kayo sa Anti-Littering Law? Seryoso pala 'to guys. Kinwento sakin ni Duz - habang nag-aantay siya sa may city hall, nag-yosi muna siya. As usual, tinapon niya lang sa kalsada yung cigarette butt. Nilapitan agad siya ng officer at binigyan ng ticket. P1000 ang multa!!! Option 2: render community service. Kaloka! Hindi pa namin naayos agad dahil wala kaming dalang extra money. Hindi rin naman siya makakapagrender ng community service dahil may pasok siya ng weekdays. Ang sabi sa kanya, pag hindi niya na-settle, magkaka-record siya sa NBI. Lesson learned. Wag magtapon kung saan-saan.


Anyway, we had lunch together in the nearby carinderia.

 
Pag tapos kumain, sinamahan ko naman siya magpa-drug test. 

 

Dumaan din kami sa BIR. Wala pa kasi siyang TIN. Nakalimutan ko, employer nga pala niya ang dapat kumuha nun para sakanya.

May/25 (Wednesday) -- Nag-treat ang mga mga bank officers sa branch namen dahil may bonus sila. Free meal and coffee. Saya!


 

 
 

Mahilig rin ba kayo mag-pasahan ng sulat nung highschool? Dahil namiss ko yan, pinadalhan ko ang friend ko na si Bianca ng short letter. Pumunta kasi sa branch ko yung messenger sa branch niya. Dali-dali akong sumulat at pinadala sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya. Lakas daw maka-highschool.


May/26 (Thursday) -- Finally, natuloy na rin ako sa Wow Thursdays. 

 
It is a weekly event for women held in CCF. Matagal ko ng gustong umattend pero dahil graveyard ako dati, impossible ako makapunta. Sa wakas, maisisingit ko na siya sa schedule ko dahil hawak ko pa naman ang oras ko. The current topic is about "Life's Healing Choices". Last week was the second session entitled "The Hope Choice". I was assigned to a small group and looking forward to meeting them again this week. If you are interested to join, let me know. It's for free!!!


After leaving CCF, I met my sister somewhere in Cubao. Tumambay lang kami for awhile.

 

We had few hours to catch up. Na-miss ko si Popoy!


Before going home, napadaan ako sa warehouse ng Rusty Lopez. I got a good deal in buying these 2 pairs of shoes. 

 


Guess what... P100/pair lang yan. So sulit. I asked the saleswoman kung bakit murang-mura. Sabi sakin, yung mga stocks daw yan na natambak sa warehouse ng Rusty Lopez ng matagal na matagal na. Yung mga designs nila, hindi mo na makikita sa mga malls. Malapit na daw mag-expire. I said, "What?" Mag-expire? Kala ko kasi pagkain lang ang may expiration, pati sapatos pala. So pag malapit na mag-expire, madali ng magbakbak. Mga limang gamitan na lang daw yan. Anyway, bumili pa rin ako. Original price of each pair is P1,299. Grabe! Ang laking discount. Oks na oks na yan!

May/27 (Friday) -- Sinama ako ni Jen sa San Jose Del Monte Bulacan. Kumausap kami dun ng mga prospect clients. Iniisa-isa namin ang mga may-ari ng hardware dun sa area na yun. In fairness, mayayaman pala talaga ang mga may hardware business. 

 
 

Afterwards, we went to her friend's (JC) house. We had a great time talking to JC's mom. I relaized, mas naeenjoy ko ng makipag-usap ngayon sa mas matatanda. Marami kang matututunan sa kanila. Full of wisdom sila, based on their own experiences. Bago kami umalis ng bahay nila, pinag-pray niya kami. Naiyak ako kasi natumbok niya sa prayers ang desire ng heart ko. It was an overwhelming experience. Walang coincidence kay Lord. May purpose talaga kung bakit kami napunta sa bahay nila that day.


What a wonderful week!

2 comments:

  1. Like ko yung mga RL shoes mo, ganda! Ouch, meron pala talaga nyang Anti-Litter ordinance na yan! Ingat na lang next time. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Edel. Yup, totoo pala yang Anti-Litter ordinance na yan. Haha :)

      Delete